Travel Blog: #Homebound

Ang pagsusulat na ito ay tungkol sa paglalakbay sa Lungsod ng Dabaw sa loob ng dalawang araw para kumuha ng mga "video" na aming magagamit sa #GlobeProjectEd. Paano ba nagsimula ang paglalakbay? Lahat ng ito ay nangyari dahil nakabuo ng plano isang linggo na nakaraan bago ang pamamasyal. Kasama ko dito sina Virgilio Roi (VR) Adaptar, Kelly Bernil, at Cher Angelika Maglalang. Ang plano ng mga aktibidad ay ginawa ni VR, para pagkatapos ng aming ika'tlong pagsusulit, didiretcho na kami agad sa pagsaulo ng aming mga plano. Ika-8 ng Pebrero, 2018 Pagkatapos ng pagsusulit, hinigi namin ang tulong ni Gng. Geraldine Tiu Recalde para sa boses ng mama ng aming bida. Sa sandaling natapos iyon, sumakay kami kaagad ng bus mula Matina hanggang Francisco Bangoy International Airport, Catitipan, Davao City. Nagbihis agad ang aming aktress na si Cher dahil siya ang aming bida ng kwento. Matapos ng pag-taping, kami ay nagphotoshoot ...