Travel Blog: #Homebound

Ang pagsusulat na ito ay tungkol sa paglalakbay sa Lungsod ng Dabaw sa loob ng dalawang araw para kumuha ng mga "video" na aming magagamit sa #GlobeProjectEd.
 
Paano ba nagsimula ang paglalakbay? Lahat ng ito ay nangyari dahil nakabuo ng plano isang linggo na nakaraan bago ang pamamasyal. Kasama ko dito sina Virgilio Roi (VR) Adaptar, Kelly Bernil, at Cher Angelika Maglalang. Ang plano ng mga aktibidad ay ginawa ni VR, para pagkatapos ng aming ika'tlong pagsusulit, didiretcho na kami agad sa pagsaulo ng aming mga plano.
 
Ika-8 ng Pebrero, 2018
 
Pagkatapos ng pagsusulit, hinigi namin ang tulong ni Gng. Geraldine Tiu Recalde para sa boses ng mama ng aming bida. Sa sandaling natapos iyon, sumakay kami kaagad ng bus mula Matina hanggang Francisco Bangoy International Airport, Catitipan, Davao City. Nagbihis agad ang aming aktress na si Cher dahil siya ang aming bida ng kwento.
 
 
 
Matapos ng pag-taping, kami ay nagphotoshoot din ng aming mga sarili. Salamat nga pala at kami ay nakapamasyal pagkatapos ng 3-araw na pagsusulit. Sumakay kami ng Landmark na jeep at bumaba kami sa Ramon Magsaysay Ave., Chinatown.
 
Naging mahirap ata ang pagkuha ng video at mga litrato dito dahil una, maraming tao, ikalawa, kailangan naming lunukin ang aming mga hiya, ikatlo, dahil papagabi na. Gayunpaman, kami ay nagpatuloy sa aming paglalakbay.
 
Dumating na ang gabi, at kami ay pumunta sa Roxas Night Market hindi para kumain kundi para mapagpatuloy ang aming shooting. Mas nakakahiya kaya rito dahil mas maraming tao. Gayumpaman, kailangan namin gawin ito dahil bukas na ang huling araw ng pagpasa na itinakda ng Globe Telecommunications.
 

 
 
Nagpadesisyunan namin na ang People's Park ang huling lokasyon na aming pupuntahan sa gabi na iyon. Pagod at gutom na rin kami. Nilakad lang namin mula Chinatown, hanggang People's Park.  Kami ay kumain sa McDonald's at nagsimulang mag-edit ng video.
 
Ika-9 ng Pebrero, 2018
 
Gumising kami ng maaga at pumunta sa Magsaysay Park para ipagpatuloy ang nasimulan kahapon. Ako ang unang dumating, sumunod si Cher, sumunod si Kelly, at panghuli na dumating si VR. Dahil ako ang mag-eedit, silang tatlo ang naglalakad-lakad habang ako ay nagpahinga.
 
Sumakay kami ng Ulas na jeep patungong Davao Memorial Park para sa huling eksena ng aming maikling pelikula. Napakainit at uhaw na kami ng tubig. Mabuti nalang at natapos kami agad.
 
Tumungo kami agad sa Bahay nila Kelly upang makapagshooting ng mga eksena na nangangailangan ng Bahay. Salamat sa Mama ni Kelly, napakaraming pagkain. Naganahan kami muling mag shooting. Nakapag-edit kami ng mga alas-3 ng hapon, at natapos ng mga alas-10 ng gabi.
 
Agad-agad namin itong ina-upload sa YouTube at si VR mismo ang unang nagkalap ng impormasyon na tangkilikin ang aming video.
 
Panghuling salita
 
Mula sa Team Odyssey, maraming Salamat po sa pagsuporta ng tanging entry mula sa Davao City.

Comments